Sunday, November 9, 2008

Hangang Kelan?



Hangang kelan?
Gabigabi nanunuod ako ng balita pagkagaling ko sa trabaho at twing nanunuod ako ng news parang nagu-guilty ako sa mga nakikita at napapanuud ko, Naisip ko kasi na isa rin ako sa mga dahilan ng pangyayari sa ating lipunan dahil alam ko at alam nyo kung ano talaga ang nagyayare sa ating bansa pero patuloy parin tayong nag bubulagbulagan sa mga sistema ng ating gubyerno biro mo alam mo na na lantarang pangungurakot at pandaraya ang ginagawa ng mga pulitiko ngunit sa kabila nito eh patuloy parin natin silang binoboto.

Hay! Hangang kelan kaya tayo magiging ganito? Sana naman po maiisip natin ang ating mga kapwa hindi lang pangsarili ang ating iniisip. Minsan Naiisip ko na nasaan na kaya ang ating pagiging magkakalahi kung tayo-tayo ang nag gugulangan, Sana mabalik ang pag pantay pantay ng tao at wala nang nagugutom at nahihirapan ang sakit kasi sa tenga na maririnig mo na kalahi mo ang gumugulang sayo imbes na magtulungan!



No comments: