Friday, December 19, 2008

Wag Manuod ng sine pag me pasok!


Wag Manuod ng sine pag me pasok!

Marami na kong nakilalang tao at nakaharap mapulitiko man o ordinaryong tao, mayama at mahiprap pero medyo naantig ako sa aking nakausap na bata. Me mga istorya na akong napanud tulad nito pero iba pala ang feeling pag kaharapmo at ikaw ang nag iniinterview ng karanasan ng mga batang ito. at naisip ko na maswerte pa pala ako nung kabataan ko. At eto ang kanyang istorya….


Pangalan ko ay Sherwyn P. Chua tawag nila sakin ay moymoy sampung taong gulang grade 5 student sa Librada Avelino Elementary school Panganay sa tatlong magkakapatid at ngaun magiging apat na kami limang buang buntis kasi ang nanay ngaun. Ang istory ko ay simpleng bata mapaglaro makulit katulad din ng ibang mga bata ang kaibahan ngalang namin maaga akong namulat sa kahirapan. sinung nag sabing lahat ng intsek mayaman? Hehehe! Ang nanay ko ay teller sa bukis at ang tatay ko walang trabaho ngaun contractor lang kasi sya eh. Pero sa kabila ng lahat sinisikap parin ng aking nanay at tatay na makapag tops kaming magkakapatid sa pagaaral. Kaya naman nag sisikap ako mag aral kahit hindi ako ganun kagaling sa schoool di naman ako nag cu-cuting tulad ng iba kong classmate. Hehehe! Pag dating ng gabi nangungulekta ako ng basura ng aming kapit bahay para me pangbaon ako kinabukasan sa pag pasok ko sa iskwela at pang tulong sa gastusin sa bahay. Kahit kapos kami sa buhay masaya naman kaming pamilya di tulad ng iba sobrasobra nga sila pero di naman sila magkakasamang pamilya. Syempre dumarating din sa akin ang inget sa ibang bata lalo na ngaung pasko lahat sila me bagong damit para sa pasko samantalang kaming magkakapatid ung mga pinag lumaan ko lang ang gagamitin nila at ako naman nag hihintay sa mga regalo ng mga ninong at ninang ko. Pero di bale ang importante masaya kami! Tuwing birthday nga naming mag kakapatid walang handa eh ang huling handa namin nung akoy nagging 7 years old kaya ngaun inaabangan ko ang aking ika 21 years old dahil siguradong me handa nanaman kami nun. Ang mga kapatid ko rin eh inaabangan nilang maging 7 years old sila para me handa rin. Hay! ang lolo ko kasi eh ang kulit nung bata. kwento kasi ng nanay ko kaya kami mahirap dahil sa lolo ko. Pinag aaral daw kasi sya ng gobyerno nun kaso imbes sa iskwelahan pumasok sa sinehan kaya ayun di nakatapos at kaya ngaun mahirap kami. Pero ako di gagaya sa lolo ko mag aaral ako at maghahanap ng magandang trabaho hindi ako iinom at maninigarilyo katulad ng tatay ko at di ako manunuod ng sine pag me pasok. At yan ang aking simpleng storya. Maligayang Pasko sa inyong lahat! Just call me moymoy palabok!

Thursday, December 18, 2008

Nag Tatanong Lang Po!

Nag Tatanong Lang Po!


Ilang istorya na nga ba ang nagawa sa mga anumalya sa gobyerno? pero bakit ganun paulit ulit lang ang pangyayari patuloy parin ang ganitong systema. Ilang bilyon o trillion na nga ba ang nilustay ng mga namumuno sa gobyerno lantaran nilang ginagawa bakit walang nakukulong at bakit andaming pending case sa ombutsman na tila nababaon lang sa limot at ang hustisya eh mas mabagal pa sa pagong lalo na kapag ang involve eh mga kilala at mataas na tao ngunit pag malit kang tao wala pang isang araw kulong ka na kagad ultimo mga bata nilalagay sa city jail imbis sa boy’s town ano nga ba ang nangyayari? ilang proyekto ng gobyerno ang di napakinabangan at ilang buhay na nga ba ang nawala dahil sa politika? Sa tuwing nag lalakad ako sa kalsada ilang pulubi at mga batang namamalimos ang nakakasalubong ko at ilang NGO ang mga kumikilos para punan ang pagkukulang ng gobyerno, kulang ba ang buwis ng mga tao upang di magampanan ng gobyerno ang katungkulan nya? Nakakatakot isipin na mukang wala nga katapusan iton mga kalokohan at kaganidan ng ilang tao sa baying ito. Ito pa! gusting baguhin ang constitution bakit kaya? Dahil ba hindi mapatupad ng maayos o me pangsariling interes nanaman. Ang dali naming intindihin ng constitution eh.


Preamble
We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.




NAPAPATUPAD NGA BA ITO?
NAG TATANUNG LANG PO!