Friday, December 19, 2008

Wag Manuod ng sine pag me pasok!


Wag Manuod ng sine pag me pasok!

Marami na kong nakilalang tao at nakaharap mapulitiko man o ordinaryong tao, mayama at mahiprap pero medyo naantig ako sa aking nakausap na bata. Me mga istorya na akong napanud tulad nito pero iba pala ang feeling pag kaharapmo at ikaw ang nag iniinterview ng karanasan ng mga batang ito. at naisip ko na maswerte pa pala ako nung kabataan ko. At eto ang kanyang istorya….


Pangalan ko ay Sherwyn P. Chua tawag nila sakin ay moymoy sampung taong gulang grade 5 student sa Librada Avelino Elementary school Panganay sa tatlong magkakapatid at ngaun magiging apat na kami limang buang buntis kasi ang nanay ngaun. Ang istory ko ay simpleng bata mapaglaro makulit katulad din ng ibang mga bata ang kaibahan ngalang namin maaga akong namulat sa kahirapan. sinung nag sabing lahat ng intsek mayaman? Hehehe! Ang nanay ko ay teller sa bukis at ang tatay ko walang trabaho ngaun contractor lang kasi sya eh. Pero sa kabila ng lahat sinisikap parin ng aking nanay at tatay na makapag tops kaming magkakapatid sa pagaaral. Kaya naman nag sisikap ako mag aral kahit hindi ako ganun kagaling sa schoool di naman ako nag cu-cuting tulad ng iba kong classmate. Hehehe! Pag dating ng gabi nangungulekta ako ng basura ng aming kapit bahay para me pangbaon ako kinabukasan sa pag pasok ko sa iskwela at pang tulong sa gastusin sa bahay. Kahit kapos kami sa buhay masaya naman kaming pamilya di tulad ng iba sobrasobra nga sila pero di naman sila magkakasamang pamilya. Syempre dumarating din sa akin ang inget sa ibang bata lalo na ngaung pasko lahat sila me bagong damit para sa pasko samantalang kaming magkakapatid ung mga pinag lumaan ko lang ang gagamitin nila at ako naman nag hihintay sa mga regalo ng mga ninong at ninang ko. Pero di bale ang importante masaya kami! Tuwing birthday nga naming mag kakapatid walang handa eh ang huling handa namin nung akoy nagging 7 years old kaya ngaun inaabangan ko ang aking ika 21 years old dahil siguradong me handa nanaman kami nun. Ang mga kapatid ko rin eh inaabangan nilang maging 7 years old sila para me handa rin. Hay! ang lolo ko kasi eh ang kulit nung bata. kwento kasi ng nanay ko kaya kami mahirap dahil sa lolo ko. Pinag aaral daw kasi sya ng gobyerno nun kaso imbes sa iskwelahan pumasok sa sinehan kaya ayun di nakatapos at kaya ngaun mahirap kami. Pero ako di gagaya sa lolo ko mag aaral ako at maghahanap ng magandang trabaho hindi ako iinom at maninigarilyo katulad ng tatay ko at di ako manunuod ng sine pag me pasok. At yan ang aking simpleng storya. Maligayang Pasko sa inyong lahat! Just call me moymoy palabok!

2 comments:

Office Assistant said...

ayos brod!
maswerte rin tayo noon.

Happy thoughts lang lagi!!

http://vermites.blogspot.com

mhin14 said...

Hi Jam! musta na? Guz gave your blog site...welcome to the world of Blogs! hehehehe